-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nabigla man subalit haharapin ni Manny Pacquiao ang bagong kalaban na Cuban boxer na si Yordenis Ugás kapalit kay Errol Spence Jr.

Ayon kay Atty. Franklin Gacal, na “shock” ang publiko sa balita na hindi na matutuloy ang pinaghahandaang Pacquiao-Spence fight.

Dagdag ni Gacal, nalungkot si Pacquiao at kaagad nagpaabot ng wish na sana makarekober kaagad si Spence para mapatuloy pa sana ang kanilang laban.

Sinabi umano ni Pacquiao na may malaking pagbabago sa fight plan dahil hindi pa masyadong alam ang ginagamit na taktika nitong si Ugas.

Binigyang linaw din ng abogado na championship pa rin ang natakdang laban ni Pacquiao at Ugas sa Agusto 22 dahil hawak ng Cuban boxer ang WBA welterweight belt nito.

Hindi rin minamaliit ng Pacquiao Team ang kalaban kahit pa ang napagtuunan ng kanilang training ay si Spence.