-- Advertisements --
Nagsagawa ng huling sparring session si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles bago ang pagtungo nito sa Las Vegas para sa laban niya kay Keith Thurman.
Tinapos niya ang 4 rounds ng light sparring sessions kay Abraham Lopez bilang paghahanda sa July 22 fight sa MGM Grand sa Las Vegas.
Itinuturing na ito na ang pang-71 boxing match sa kaniyang professional career ni Pacquiao na may kabuuang record na 61 panalo (39 via knockouts), pitong talo at 2 draws.
Habang si Thurman ay mayroong 29 panalo, walang talong naitala kabilang na ang 22 knockouts.