-- Advertisements --

Handa umano muling makaharap ni eight division boxing champion Manny Pacquiao kung may pagkakataon si US boxer Errol Spence Jr.

Kasunod ito sa pagkakansela ng nakatakdang pagharap nito dahil sa operasyon sa mata ng American boxer.

Sinabi ni Pacquiao na walang problema na makaharap muli si Spence basta ito ay nasa mabuting kalagayan na.

Magugunitang dahil sa eye injury ay ipinalit dito si Yordenis Ugas para sa WBA welterweight super championship.

Tiniyak ni Pacquiao na hindi mawawala ang focus nito sa laban dahil ikinokonsidera pa rin niyang malaking kalaban si Ugas.