-- Advertisements --
PACQUIAO 1
Manny Pacquiao

Nakabalik na sa bansa si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Pasado 12 ng hating gabi ng Martes ng lumapag ang private plane ng fighting senator sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Agad na dumiretso ito sa kaniyang bahay sa Forbes Park sa lungsod ng Makati.

Nagpasalamat na lamang ito sa suporta na ibinigay ng mga Filipino matapos ang tagumpay laban kay Keith Thurman at hindi na nagpaunlak pa ng panayam.

Dagdag pa ng senador na magpapahinga agad ito dahil dadalo muna siya sa sesyon ng Senado ngayong araw.