-- Advertisements --
manny pacman pacquiao fans

GENERAL SANTOS CITY – Usap-usapan sa social media ang ginawang pamimigay ni Sen. Manny Pacquiao ng pera sa kanyang mga kababayan sa Alabel, Sarangani Province.

Batay sa social media post ni David Sisson, personal assistant ng senador na nangyari ang pamimigay pera ng fighting senator noong nakaraang araw.

Nasa 600 na mga residente sa Alabel, Sarangani province ang nabigyan ng pera ng Pinoy champ.

Sinasabing nasa P1,000 ang ibinigay ni Pacman sa mga nasa hustong gulang at P500 naman sa mga bata.

Ang pamimigay ng senador ng pera ang kanyang balato umano sa mga kababayan matapos ang panalo nito kay Keith Thurman noong nakaraang buwan ng Hulyo sa Amerika.

Nabatid na noong Agosto 16, 2019 lamang nang umuwi sa GenSan si Manny matapos ang matagumpay na laban kay Thurman.

Hindi ito ang unang beses na pinapila ng fighting senator ang ilan sa kanyang mga kababayan upang makatanggap ng balato.