GENERAL SANTOS CITY – Nalaman na noon pa naghahanda si eight Division world champion Manny Pacquiao subalit hindi pa tinumbok kung sino ang magiging kalaban sa ring.
Habang naglabasan sa social media ang nilulutong laban kay Terence Crawford na gagawin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi .
Sinabi sa Bombo Radyo ni Nonoy Neri coach trainer sa Team Pacquiao na light training pa lamang ang ginagawa ng fighting Senator sa luob ng kanyang mansion at sa wild card gym kagaya ng pag jogging para paghandaan ang nalalapit na laban.
Dagdag ni Neri nasa 147 catch weight ang pinaghandaan ng Team Pacquiao habang 50% na ang training nito.
Sa ngayon sinimulan na ang paglimita ng mga tao na makapasok sa lugar para matutukan ang training.
Sinabi din nito na wala namang pagbabago sa coaching staff dahil pangunahan pa rin ni Buboy Fernandez ang pagsasanay habang hinihintay ang kanyang pagdating dito sa lungsod.