-- Advertisements --

Nilinaw ni Sen. Manny Pacquiao na hindi niya nais makisawsaw sa masalimoot na isyu ng pagpili ng susunod na House speaker.

Ang pahayag ay kasunod ng inilabas na statement ng PDP-Laban na binasa ni Pacquiao, kung saan pinipili daw ng grupo si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon sa senador, naatasan lang siya na magsalita ukol sa napili ng grupo at wala siyang layuning makaimpluwensya sa sinumang miyembro ng Kamara.

Bagama’t naniniwala raw siya sa kakayahan ni Velasco, hindi iyon ang rason ng pagsasalita niya sa speakership issue.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang may kagustuhan na siya ang maglabas ng pahayag, dahil parte ito ng kaniyang tungkulin bilang campaign manager.