-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nirentahan pa ni Manny Pacquiao ang isa sa mga conference room ng MGM Grand Arena para sa dalawang araw na bible study bago ang kanyang laban ngayong linggo.

MGM grand vegas

Ayon kay Joey Concepcion, Mindanao team head ni Pacman, sa nasabing lugar gagawin ang pagdarasal bago ang laban nito kay Yordenis Ugas .

Dagdag pa ni Concepcion, mismong si Pacquiao ang nag-anunsyo sa gagawing bible study kaya’t istriktong nagpapatupad ng “no face mask no entry” habang 30 percent lamang ang nakakapasok sa lugar mula sa 3,000 capacity venue.

Paghihigpit ito sa seguridad ni Pacquiao para iwas din sa hawaan sa COVID-19.

Handa na rin si Pacquiao sa gagawing official weigh-in ngayong araw ng Sabado.

Samantala, patuloy naman na humihingi ng dasal ang pamilya Pacquiao sa darating na laban sa Linggo.