-- Advertisements --
Nominado muli si Sen. Manny Pacquiao bilang fighter of the year ng Boxing Writers Association of America (BWAA).
Makakatunggali nito sa nominasyon sina light-heavyweight champion Canelo Alvarez, Nonito Donaire Jr., Japanese champion at tumalo kay Donaire na si Naoya Inoue, welterweight title holder Errol Spence at junior welterweight Josh Taylor.
Nakita kasi ng BWAA ang panalo ng fighting senator ngayong taon kina Adrien Broner at Keith Thurman kahit ito ay nasa 39-anyos na.
Una nang nasungkit ng Pinoy boxing icon ang award ng tatlong beses noon na Fighter of the Year noong taong 2006, 2008 at 2009.
Huling Filipino na nabigyan ng nasabing titulo ay si Donaire noong 2012.