-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Palaging pinapayuhan si Sen. Manny Pacquiao na maging maingat sa laban nito sa araw ng Linggo kay Yordenis Ugas.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan kay OFW partylist Rep. Alberto “Bobby” Pacquiao, kanyang inihayag na malaki ang tiwala nito sa kanyang kapatid dahil seryoso sa training.

Habang nasa Las Vegas na sila ay very light training na lamang ang ginagawa ng Pinoy ring icon.

Kada araw dapat magpapawis si Pacman bilang preparasyon sa laban.

Habang sina coach Buboy Fernandez, coach Nonoy Neri at coach Freddie Roach lang ang pwede makapasok sa kwarto ng senador.

Ayon kay Bobby sa ngayon ang naiwan sa kanilang mga kamag-anak sa bansa ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na sina Isidra at Lisa.

Hindi na umano kaya ng pangangatawan ni Mommy D ang malayong biyahe kaya nasa GenSan lamang ito.