-- Advertisements --

Ipinamalas ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang galing sa paglalaro sa basketball matapos na magtala ng triple-double sa laro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Calgary, Canada.

Nanguna ang fighting senator sa Team Pacquiao na nagtala ng 31 points, 11 assists at 10 rebounds.

Dahil dito ay tinalo ng kaniyang koponan sa exhibition game ang Casem Calgary sa score na 116-99 sa MPBL exhibition match na ginanap sa Seven Chiefs Sportsplex.

Hindi magkamayaw ang mga Filipino fans pagkatapos ng laro kung saan game naman na nakipag-selfie ang boxing champion.

Susunod na magtutungo ang MPBL sa Edmonton kung saan makakaharap ng Imus team ang mga piling manlalaro ng lugar.