-- Advertisements --
pac 5

Mainit na sinalubong ng mga kasamahang senador si eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na nagwagi sa boxing match kontra kay Keith Thurman noong weekend sa Amerika.

Pinagtibay din ng mga senador ang Senate resolution na binalangkas ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at naging co-author ang lahat para papurihan ang tagumpay ng fighting senator.

Bago ito, sinabi ni Pacquiao na nasa maayos nang kondisyon ang kaniyang katawan kahit nakakaramdam pa rin ng pananakit.

Masaya naman aniya siya sa mga papuring natatanggap mula sa mga kapwa mambabatas, fans at maging mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Biniro naman ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ukol sa laki ng napanalunang premyo sa nakaraang laban.

Ang pagbibigay pugay sa pambansang kamao ang siyang inunang isyu na tinalakay ng Senado sa pagsisimula ng kanilang sesyon ngayong araw.

Ito ay bilang salubong na rin sa muling pagbabalik ng fighting senator na naka-shades pa rin dahil sa ilang pamamaga na kanyang mata na tinamo mula sa malalakas na suntok ng dating kampeon ng Amerika na si Thurman.

pac reso