-- Advertisements --
Nagmistulang hometown crowd ni Manny Pacquiao ang MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Napansin kasi ng mga observers at analysts na pro-Pacquiao ang nakakarami sa 13,025 fans na bumuhos para manood sa pagtutuos nila ni Adrien Broner.
Sa maraming beses sa 12 round welterweight championship fight ay sumisigaw ang mga tao ng “Manny, Manny!”
Lalong naghiyawan ang mga manonood nang halos pabagsakin ng fighting senator si Broner sa 7th at 9th round.
Hindi man daw “spectacular” ang performance ni Pacman, pinatunayan nito na sa edad na 40, nabibilang pa rin sya sa elite fighters sa mundo lalo na at ang nakalaban niya ay isang 29-anyos na dating 4-time world division champion.