Pinayuhan ni Senator Manny Pacquiao si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kung maaari ay ipaubaya na sa iba ang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa sa 2022.
Sinabi ng senador na ang posisyon ng pagka-presidente ay dahil sa pagpasya mula sa Panginoon.
Marami aniyang nagnais na maging pangulo subalit hindi sila pinayagan ng Diyos.
Reaksyon ito sa isinusulong ng ilang grupo na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa ang Davao City mayor habang tatakbong bise presidente raw ang ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinihintay na rin ni Pacquiao ang pagtugon ni Pangulong Duterte sa sulat nito para sila makapagpulong tungkol sa gusot na nagaganap sa kanilang partido na PDP-Laban.
Nito lamang nakalipas na araw ay lumutang din ang Mayor Sara at Bong-Bong Marcos at Sara-Gibo Teodoro tandem.