-- Advertisements --
Manny Pacquiao Pacman
Manny Pacquiao

Hindi itinanggi ni Manny Pacquiao na hinihikayat niya ang anak na si Jimuel na huwag ng sumubok ng boxing.

Sinabi ng Filipino boxing champion, na ayaw niyang maranasan ng anak ang hirap na pinagdaanan sa nasabing sports.

Dagdag pa ng 8-division boxing champion, na nangangailangan talaga ng matinding training, discipline at matinding paghihirap.

Mas nanaisin pa ng fighting senator na mag-aral na lamang ito at pamunuan ang mga negosyo nila.

Dahil sa nakita nitong desidido ang anak na sumubok ng boxing ay hinahayaan na lamang niya itong sumubok sa nasabing sports.