-- Advertisements --
Posibleng lumaban muli si eight division boxing champion Manny Pacquiao sa buwan ng Disyembre.
Sinabi ng isa sa kaniyang aide na si David Sisson na hindi pa tapos ang fighting senator sa nasabing sports matapos ang pagkatalo nito kay Yordenis Ugas sa Las Vegas nitong nakalipas na Agosto.
Hindi naman nito binanggit kung sino ang posibleng makakaharap ng Filipino boxing champion.
Kahit aniya mag-43 taon na ang edad ni Pacman sa Disyembre 17 ay hindi pa rin ito nagsasawa sa pagboboksing.
Magugunitang handa rin umano si Ugas ng rematch kay Pacquiao matapos ang panalo nito noong Agosto 22 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.