-- Advertisements --
Manny Pacquiao Pacman
Manny Pacquiao

Tiwala si boxing trainer Freddie Roach na mabilis na makukuha ni Manny Pacquiao ang kaniyang kondisyon sa laban niya kay Keith Thurman.

Sa kulang isang buwan bago ang laban ng Filipino boxing icon sa MGM sa Las Vegas ay nasa final phase na ito.

Sa ilang araw nilang training ay nakikita ni Roach ang mabilis na pagkuha nito ng kaniyang kondisyon dahil sa ipinapakita nitong lakas at bilis.

Isa ring motivation ngayon ni Pacquiao sa laban ay ang patuloy na pagbibitiw ng mga trash talking ni Thurman.

Sinabi ni Pacquiao na sa lalong pagsasagawa ni Thurman ng trash-talking ay mas lalong tumataas ang kaniyang motibasyon para lalong pagbutihin ang ensayo.