-- Advertisements --
Posibleng matanggal umano mula sa PDP Laban party si Senator Manny Pacquiao dahil sa paninira kanilang party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng sinibak din na PDP-Laban vice chairman at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi, puro akusasyon lamang at wala namang sapat ebidensiya ang fighting senator sa mga batikos na ibinabato kay Pangulong Duterte.
Itinuturing nito na isang character assasination ang ginagawa raw ni Pacquiao.
Naunang binigyang linaw ni Pacquiao na hindi mismo ang pangulo ang kaniyang pinupuna at sa halip ay ang mga nagaganap na kurapsyon sa gobyerno.