-- Advertisements --
Photo courtesy of Nobuyuki Sakakibara

Lumagda ng kontrata si Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao sa Japanese mixed martial arts company na Rizin Fighting Federation ngayong Lunes.

Ang nasabing kompanya rin ang siyang nag-ayos ng exhibition fight na nilahukan ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. sa Tokyo noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Rizin chief Nobuyuki Sakakibara, may partisipasyon umano si Pacquiao sa Rizin 15 na gaganapin sa Abril 21.

Pero sinabi ni Sakakibara, ibubunyag daw ang pinal na mga plano sa pagbalik nito sa Japan.

Huling lumaban sa loob ng boxing ring ang eight-division world champion noong Enero kung saan nagwagi ito kontra kay Adrien Broner sa pamamagitan ng unanimous decision.