-- Advertisements --

Nagpasaring si Sen. Manny Pacquiao sa dati nitong mahigpit na karibal na si Floyd Mayweather Jr. kasunod ng nag-leak na video kung saan sinasabing tuloy na umano ang mga negosasyon ukol sa rematch ng dalawa.

Sa nasabing video na kumalat sa social media, makikita si Mayweather na nagsabing bibiyahe raw ito sa Saudi Arabia para makipag-usap sa mga interesadong partido ukol sa ikalawang laban nila ni Pacquiao.

Kalaunan ay pinabulaanan ito ni Mayweather at sinabing kinunan daw ang video siyam na buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Pacquiao, mistulang ginagamit umano ni Mayweather ang kanyang pangalan upang mangalap ng atensyon.

https://www.instagram.com/p/B1WaZr1l6Dp/?utm_source=ig_embed

Samantala, sinabi ni Mayweather na binayaran daw ito ng $2.2-milyon o mahigit P115-milyon upang gawin ang nasabing video.

https://www.instagram.com/p/B1W4EByl57i/

Nanindigan naman si Mayweather na hindi nito kakagatin ang alok na rematch ng fighting senator.

“Basically, that’s an old video. At the end of the day, there’s no talks about me and Manny Pacquiao fighting a rematch. Even if we did fight, all they’re going to do is have an excuse, just like the first time,” ani Mayweather.