-- Advertisements --

Sinibak na ni dating senator Manny Pacquiao ang kaniyang staff member na pinara ng mga otoridad matapos dumaan sa EDSA Busway.

Sinabi ng dating 8-division world boxing champion na kaniyang pinagalitan ang driver.

Pinapabalik nito sa opisina ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) para kunin ang traffic tickets.

Giit pa ng dating senador na hindi niya kinokonsinti ang nasabing paglabag kaya tuluyan niyang tinanggal ang driver.

Magugunitang nasita ng SAICT ang sasakyan na pag-aari ng dating opisyal matapos na dumaan sa EDSA Busway.

Natiketan ang isang convoy habang tumakas naman ang isang driver.