-- Advertisements --

Sinimulan na ni Manny Pacquiao ang kaniyang boxing training.

Sa kaniyang Twitter account, inanunsiyo ng fighting senator ang nasabing balita.

Hindi naman nito binanggit kung sino ang nakatakdang makakalaban nito.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong Hulyo 2019 kung saan tinalo niya si Keith Thurman.

Magugunitang unang pinaplantsa ang laban ng Filipino boxing champion kay UFC fighter Conor McGregor at si American boxer Ryan Garcia.