Binalewala lamang ni Sen. Manny Pacquiao ang dinaranas nitong jet lag at agad na inumpisahan ang pinal at mas krusyal na yugto ng kanyang pagsasanay sa Los Angeles para sa bakbakan nila ni undefeated boxer Keith Thurman sa susunod na buwan.
SuÂmailalim sa road work si Pacquiao kung saan nag-jogging ito sa sikat na Griffith Park kasama ang kanyang training team, at nagsagawa ng ab crunches kalaunan.
Nakatakda ring magtagpo ang eight-division world champion at si famed guru Freddie Roach sa Wild Card Gym upang simulan na rin ang kanyang gym work.
Inaasahang ipagpapatuloy rin ng Fighting Senator ang kanyang sparring sessions para maabot ang peak ng kondisyon para sa WBA welterweight title showdown nila ni Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas.
Dito ay magsasanay si Pacquiao ng tinatayang isang buwan at kanyang makakaharap ang walang talong Australian boxer na si Tim Tszyu.
Una nang sinabi ni strength and conditioning coach Justine Fortune sa panayam ng Bombo Radyo, plantsado na rin daw ang dekalidad na sparring para sa “Fighting Senator†na sina Roach at boxing matchmaker Sean Gibbons ang mismong nag-organisa.
“[When] we hit L.A., [the training camp] will be more intense. He will be in shape on time,†wika ni Fortune.