-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sisimulan na ni Filipino boxing legend Manny Pacquiao ang paghahanda para sa laban nito sa Muay Thai fighter at kickboxer na si Buakaw Banchamek na taga Thailand.

Ito’y sa pamamagitan ng pagjo-jogging na gagawin sa loob ng compound sa bago nitong mansion na may malawak na lugar na ayon kay Pacquiao may mataas na level ng oxygen.

Ayon pa nito na kahit exhibition fight lamang ay hindi dapat maliitin ang nasabing laban dahil hawak ni Buakaw ang diamond belt ng WBC.

Dagdag pa nito na anim na rounds ang gagawing laban doon sa Bangkok Thailand ngayong Abril 20 nitong kasalukuyang taon.

Sinabi din nito na pinagtutuonan ng pansin ng kanyang promoter sa Japan ang pagpirma ni Floyd Mayweather Jr. na posibleng gagawin naman sa buwan ng Hunyo.

Maliban sa Mayweather fight, marami pa ang posibleng laban na darating na pagtutuonan ni Pacman ng pansin.