-- Advertisements --

Umabot sa tatlong oras ang naging unang araw na ensayo ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa US.

Hindi nagsayang ng oras ang Filipino boxing champion kasama ang long-time trainer nito na si Freddie Roach.

Nagsagawa rin nang pagtakbo ang 42-anyos na boxing champion sa Pan Pacific Park bago tumuloy sa Wild Card Gym.

Nasa US ang fighting senator para paghandaan ang nalalapit na laban nito kay Errol Spence sa Agosto 21na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA.