-- Advertisements --

Hindi na matutuloy si Japan fighter Chihiro Suzuki na labanan si 8-division world champion Manny Pacquiao matapos tuluyang i-atras ang laban sa pagitan ng dalawa.

Nagtamo kasi si Suzuki ng injury sa kanyang kamay at kinailangan na nitong umatras sa laban.

Nakatakda sanang maglaban ang dalawa sa July 28 sa Saitama, Japan sa ilalim ng 68kg boxing match na binubuo ng tatlong round. Tatlong minuto ang nakalaan sa bawat round.

Sa kabila nito, tuloy pa ring lalaban si Pacquiao sa exhibition fight matapos na agad makakuha ng posibleng ipapalit kay Suzuki.

Napiling papalit sa kanya si Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo. Parehong lugar at araw pa rin ang susundin sa nakatakdang laban.