Lumakas pa ang panawagan ng marami sa iba’t ibang dako ng mundo na panahon na para magretiro ang Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao.
Ito ay makaraang sabihin ni Pacquiao matapos ang shocking loss sa Cuban champion na si Yordenis Ugas para sa WBA welterweight crown, na gusto muna niyang makapiliing ang pamilya at pag-isipan ang susunod na hakbang sa kanyang boxing career.
“I’ve done a lot for boxing and boxing has done a lot for me,” ani Pacquiao sa post-fight press conference. “I look forward to spending time with my family and thinking about my future in boxing.”
Ayon sa maraming mga boxing analysts wala ng patutunayan pa si Pacman dahil bago pa man siya umakyat sa ring nitong Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa harap ng 17,438 mga fans ay itinuring na syang isa sa “all time greats” sa pinili niyang career.
Nadagdagan pa ang pananaw ng ilan na nararapat na isampay na ng fighting senator ang kanyang gloves ay upang pagtuunan na lamang ng full time ang pagiging public official.
Ilang sektor din sa international media ang labis na nababahala rin kung magpapatuloy pa ang tanging 42-anyos na eight division world champion sa pagboboksing na maituturing na sports para sa mga mas nakababata.
Ganon din naman ang panawagan ng ilang professional boxers na bilang pagmamahal nila sa isang boxing great na malaki ang naitulong sa promosyon ng boxing sa buong mundo na sana itigil na nang tinaguriang pambansang kamao ng Pilipinas ang pagboboksing.
Narito ang ilan lamang na headlines sa international media:
“The time has come for Manny Pacquiao to hang up his boxing gloves”
by Kevin Iole·Combat columnist, Yahoo Sports
Manny Pacquiao’s boxing career may be over after loss to Yordenis Ugás
by New York Post
PACQUIAO A SHADOW OF HIMSELF IN DEFEAT AGAINST UGAS
by Dong Secuya, PhilBoxing
Manny Pacquiao faces career crossroads after points defeat to Yordenis Ugás
The Guardian, Sun
“Whether he wins or loses or ever fights again, Pacquiao still owns the adulation of not just his countrymen but also the sporting world. Beloved for his megawatt smile during his ring walks and the brutality he delivered inside the ropes, Pacquiao remains a superstar in a sport short on them.”
ESPN
“This is why tonight must be Manny Pacquiao’s final fight.”
Los Angeles Times
“Should Manny Pacquiao retire following his loss to Yordenis Ugas?”
Badlefthook
Ex-champ Danny ‘Swift’ Garcia
“Ugas fought a great fights. Props to manny for taking on a tough challenge still a legend.”
Rougarou
“They will never be ANOTHER Manny Pacquiao”
Ex-champ Jamel Herring
“Manny Pacquiao has nothing to prove. I won’t say, “he dared to be great”, because he was already great before the opening bell of this fight.”
Female champ Franchón Crews-Dezurn: Pacquiao is the epitome of class and grit.
Ex-champ caleb truax
“If thats it for him, as it probably should be, we didn’t deserve Manny Pacquiao”
Una rito, sinabi naman ng ilang observers manalo man o matalo si Pacquiao, sigurado na sa hinaharap ay maihahanay siya sa mga Hall of Fame boxers.
Bago pa man ang Ugas fight ay nagpahiwatig na si Pacman na magreretiro na.
“This could be my last fight or there could be more,” ani Pacquiao nang makapanayam din ng Bombo Radyo.
Sa 26 na taon na boxing career ng fighting senator, umabot na sa 25 na dati at kasalukuyang mga world champions ang walang takot niyang hinarap sa itaas ng ring.
May record din ito bilang oldest welterweight champion sa kasaysayan ng mundo at ang tanging 5-time welterweight champion.
Sinasabing ang laban ni Pacquiao kontra kay Ugas ang kanyang ika-26 na beses sa pay-per-view (PPV) bilang main event.
Mula pa noong taong 2005, nakapagbenta na si Pacquiao ng mahigit sa 20 million buys sa PPV, kung saan katumbas ito sa $1.2 billion na mga kinita.
Pumapangalawa siya sa retired American champion na si Floyd Mayweather Jr. sa total earnings pagdating sa pay-per-view.
Dahil dito tampulan ng debate si Pacquiao kung siya na nga ba ang maituturing na pinaka-exciting na boksingero sa buong mundo sa kasaysayan dahil sa naibibigay niyang saya sa mga fight fans.
Hindi maiwasang naihahanay tuloy siya sa mga boxing legends na sina Mike Tyson at Evander Holyfield na nagmula naman sa heavyweight division.