Muling nagpahiwatig si Sen Manny Pacquiao na maaring ito na ang last fight niya kontra kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas.
Kumambiyo rin ang tanging eight division world champion na posible rin namang masundan pa ito ng next fights.
Gayunman para kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella mula sa Las Vegas, sa tingin daw niya maaaring ito na ang last fight sa career ni Pacman.
Aniya, kapag tumakbo umano sa pinakamataas na puwesto ang fighting senator sa 2022 elections tulad nang pagka-presidente ng bansa dito na tuluyang magtatapos ang makulay na career ni Pacquiao sa pagboboksing.
Kaya naman, dapat lamang na abangan ng mga kababayan ang laban na ito sa darating na Linggo baka raw kasi ito na rin ang huli na makikitang lumalaban ang pambansang kamao sa itaas ng ring.
Maging si Pacman ay inaming hindi naman alam ng tao ang kinabukasan kung ito na nag ang huli niyang fight.
“This could be my last fight, or there could be more. I’m turning 43 in December, and my plan has always been to just go one fight at a time,” ani Pacquiao. “I encourage the fans all over the world to watch this fight, because you never know.”