Iniaalay ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang malaking laban sa Linggo kontra kay Keith Thurman para sa kanyang kabigan na si Jimmy Kimmel at sa programa nito na paglaban sa sakit na ALS o
Amyotrophic lateral sclerosis na ang tawag din ay Lou Gehrig’s disease.
Kung maaalala ang celebrity TV host na si Kimmel ay sikat sa Amerika at isa ring comedian.
“I am dedicating my fight against @KeithFThurmanJr to my friend and to ALS awareness,” ani Pacquiao.
Paliwanag pa ni Pacman sa kanyang social media account, malaki raw ang utang na loob niya kay Kimmel dahil sa maraming beses na naging guest siya.
Dahil dito nakilala tuloy siya ng milyon-milyong mga tagasunod at fans nito sa Estado Unidos.
Binigyang diin pa ni Pacquiao na dahil sa guesting niya sa programang “Jimmy Kimmel Live” ay nakilala siya maging ng mamamayan ng Amerika na hindi mahilig sa boxing.
Sa naturang show ay doon din daw nakilala ang fighting senator na marunong din pala na kumanta.
“I am so grateful to my friend at @JimmyKimmelLive, who, as a stranger at first, took a big chance by booking my first appearance and introducing me to Jimmy and his massive American audience. My friend is battling ALS. Because of him and Jimmy, millions of non-boxing fan viewers got to meet me and even hear me sing. I guess you can blame him for that too! Over the years, he and Jimmy have been gracious to invite me back many more times.”
Noong taong 2015 ay naging parte pa si Kimmel sa entrance ni Pacquiao patungong ring sa tinaguriang “boxing fight of the century” kung saan ang nakalaban ng eight division world champion ay si Floyd Mayweather Jr.
Note: Definition of ALS – Amyotrophic lateral sclerosis (ALS) is a progressive neurodegenerative disease that affects nerve cells in the brain and the spinal cord. A-myo-trophic comes from the Greek language. “A” means no. “Myo” refers to muscle, and “Trophic” means nourishment – “No muscle nourishment.” (source: Google)