-- Advertisements --

Tinanggihan umano ni presidential aspirant at Sen. Manny Pacquiao ang alok na maging bise presidente ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na tumatakbo ring pangulo sa 2022 elections.

Ikinakatuwa pa ng fighting senator ang pagkonsidera sa kaniya para maging pangalawang pangulo subalit mas gugustuhin niya ang maging pangulo para maisakatuparan ang pangako nito na tulungan ang mga tao.

Reaksyon ito ni Pacquiao sa naging pahayag ni Sen. Imee Marcos na magiging malawak ang panalo nina Marcos at Pacquiao dahil sa masasakupan nila ang Luzon at Mindanao.

Nais kasi ni Sen. Imee na pagsamahin ang kapatid nito at si Pacquiao dahil sigurado ang kanilang panalo.