-- Advertisements --

Agad umanong nagpahanap ng mga “right-hander fighters” si eight division world boxing champion Manny Pacquiao, matapos mapalitan ang kalaban nito na si Errol Spence Jr.

Magugunitang pina-atras na ng Nevada Atate Athletic Commission si Spence, matapos makitaan ng pinsala ang mata nito dahil sa mabigat na training.

Dahil dito, ang paghahahanda ni Pacman para sa “southpaw” na US undefeated boxer ay hindi na nito magagamit.

Sa halip, isang “right-hander” na boksingerong si Yordenis Ugás ng Cuba ang makakasagupa ng fighting senator sa Agosto 22, 2021.

Wala namang nakikitang problema sa isyung ito ang hall of famer na si coach Freddie Roach, dahil kaya naman daw makapag-adjust ni Pacman, kahit sa maikling panahon.