-- Advertisements --
Posibleng ianunsiyo na ni boxing promoter Bob Arum ang susunod na makakaharap ni Terence Crawford anumang araw ngayong linggo.
Itinuturing ng Top Rank CEO na ang nasabing laban ay isang malaking kontrata at ito ay kaabang-abang.
Maraming mga boxing experts naman na maaring susunod na makakaharap ni Crawford ay si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Nauna ng binanggit ni Arum na pinagpipilian nila si Pacquiao at si Shawn Porter ang napipisil nilang makaharap ni Crawford.
Magugunitang makailang beses na nagpahayag si Crawford na nais niyang makalaban si Pacquiao.