Asam umano ng Paradigm Sports Management na pagharapin sa ibabaw ng boxing ring sa susunod na taon sina eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao at MMA star Conor McGregor.
Ayon kay Paradigm Sports Management founder and CEO Audie Attar, target daw nilang gawin ang bakbakan pagkatapos ng laban ni McGregor kay Dustin Poirier.
“As it relates to Manny Pacquiao and Conor McGregor, Conor has a fight on Jan. 23 against Dustin Poirier. He will be handling business against Dustin first,” wika ni Attar.
“But, Conor has come out and said he wants to fight Manny, Manny has come out and said he wants to fight Conor,” dagdag nito.
“As I stated publicly before, we have had conversations. That is a fight we are definitely going to make because both fighters want it and there seems to be an interest from the fans all around the world.”
Mas lalo pang lumakas ang posibilidad na matuloy ang tapatan nina Pacquiao at McGregor nang lumagda ng kontrata ang Fighting Senator sa parehong management agency ng Irish fighter noong Oktubre.
Magugunitang huling tumuntong sa boxing ring si McGregor noong Agosto 2017 nang matalo ito sa kamay ni Floyd Mayweather Jr.
Habang si Pacquiao ay huling nakipaglaban noon pang Hulyo 2019 nang maagaw nito kay Keith Thurman ang WBA world welterweight title.