-- Advertisements --
pactur
Pacquiao vs. Thurman

Malapit ng maselyuhan kontrata ng laban ni Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Ayon sa mga lumabas na ulat na inaayos na ng magkabilaang kampo ang deal at maaaring maganap ito sa Hulyo 20 sa Las Vegas.

Itinuturing na ang laban ay siyang kauna-unahang pay-per-view fight ni Thurman.

Magugunitang noong Enero ay pinatumba ni Pacquiao si Broner habang noong nakaraang linggo ay tinalo ni Thurman si Joselito Lopez sa pamamagitan ng majority desisyon.

Mayroong 61 panalo, pitong talo, 2 draw na may 39 knockouts si Pacquiao na hawak niya ang WBA “world” welterweight title habang si Thurman ay mayroong 29 panalo, walang talo na mayroong 22 KO at hawak ang WBA “Superworld” welterweight title.