Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas.
Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan.
Kung maalala una nang naasar noon si Pacman sa WBA kung bakit ibinigay kay Ugas ang korona samantalang kaya hindi siya lumaban para idepensa ang title belt ay bunsod nang pandemya.
Giit ni Pacquiao, 42, sa pagkakaong ito dapat tapusin na ang usapan kung para ba kanino talaga ang titulo.
Tiniyak din ni Pacman na walang problema sa kanya kung si Errol Spence na kaliwete na kanyang pinaghandaan at ngayon ay nagbago dahil orthodox style si Ugas.
Giit pa ng fighting senator, hindi siya puwedeng magkampante dahil nasa kondisyon din si Ugas bunsod na naghanda ito ng husto dahil sa undercard din naman sana siya sa fight card.
“I am happy to fight either right-handed or southpaw fighters. It’s no problem for me at all to switch the styles that I’m going to face,” ani Pacquiao. “What I can say to the fans is that this is definitely not an easy fight. Ugás is a champion because they gave him my belt. Now, we have to settle it inside of the ring. I cannot take him lightly because he’s the kind of fighter who will take advantage of that.”
Para naman kay Ugas, 35, na isang Cuban at merong interpreter, maaasahan ng mga boxing fans ang umaatikabong bakbakan dahil ibibigay niya ang lahat pag-akyat nila ng ring sa Agosto 22.
Inamin din nito ang labis na excitement at makakaharap niya ang isa sa best fighters ng kasaysayan.
Para kay Ugas, hindi na bago sa kanya ang last minute na pagbabago sa laban dahil ilang beses na rin ang nangyari na siya ang ipinapalit bago ang big day.
Kaya naman asahan daw ng mga fans na sila ay masusulit dahil sa maganda nilang laban na regalo na kanilang masasaksihan.
“When I got the call that I was going to face one of the best fighters in history, it just pushed my excitement to new highs. I can’t wait to show everyone what I’m capable of,” pahayag pa ni Ugas sa pamamagitan ng kanyang interpreter. “I’m used to taking fights at the last minute. It’s really nothing new to me. Once I knew I was fighting Pacquiao, I got right back to work because I’m always ready to fight anyone they put in front of me.