-- Advertisements --
PACQUIAO HAPLAS
Manny Pacquiao

Walang balak na magbawas ng oras sa kaniyang ensayo si Manny Pacquiao.

Sinabi ng kaniyang conditioning coach na si Justin Fortune, sa halos sampung taon na nasa Pacquiao camp ito ay hindi niya nakita ng anumang pagbagal sa training ang fighting senator.

Ang pagiging kalmado nito sa laban ang nakikita ni Fortune na magdadala sa kaniyang tagumpay laban kay Keith Thurman sa darating na Hulyo 22 sa Las Vegas.

Nakita rin ni Fortune ang pagiging aktibo ni Pacquiao kaya matagal-tagal pa ito bago magdesisyon na magretiro.