KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nagyaring pamamaril-patay sa isang padre de pamilya sa harap ng ospital sa Brgy. Poblacion, Surallah, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Jemar Sabio Moriño 34, at residente ng Zone 6, Surallah.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ms. Leah Hasim, maybahay ng Biktima , limang tama ng bala ang natamo ng kanyang adawa matapos itong hinabol ng riding-in-tandem suspek mula sa boarding house nito papunta sa harapan ng Landero Clinic & Hospital kung saan ito bumulagta.
Kinumperma rin ng kanyang tiyuhin na noong nakaraang mga araw nakatanggap na ng banta sa buhay ang biktima.
Sa ngayon, may lead na umano ang Surallah PNP sa nangyaring pamamaril-patay dahil hawak na sa ngayon ng mga Kapulisan ang CCTV footage na kung saan nakita ang mga suspek bago ginawa ang krimen.
Samantala, nagpalabas na rin ng mensahe si South Cotabato Provincial Director, PCol. Cedrick Earl Tamayo sa lahat ng mga South Cotabateno, na sila ang patuloy na nakabantay laban sa mga krimen na nangyayari sa probinsya.
Ipinasiguro na rin ito na magbababayad ang may kagagawan sa krimen.
Sa ngayon, patuloy ang Police Visibility sa lugar, hindi lamang sa Surallah kundi mangin man sa buong probinsya ng South Cotabato.