-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang tatay matapos na magpatiwakal sa Brgy Kinagunan Ibaba, Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Simeon 67-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na iniwan lang umano ng kanyang anak si alyas Simeom sa loob ng kwarto nito upang pumunta sa comfort room ng bigla na lamang itong makarinig ng putok nang baril.

Nang balikan nito ang kanyang ama, dito na nakita nito ang nakahandusay na katawan ng biktima sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

Batay naman sa pakikipag-usap ng mga awtoridad sa mga kapamilya ng biktima nabatid na paligi itong nagsasabi na gusto ng mamatay dahil sa nararamdang sakit sa puso.

Nagtamo naman ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang dibdib habang ang ginamit nitong baril ay nakita malapit sa katawan nito.

Samantala, tumanggi na rin ang mga kapamilya ng biktima na isailalim pa sa otopsiya ang katawan ng biktima at naniniwala sila na walang foul play na nangyari sa insidente.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber 38 na baril na mayroong apat na bala at isang fired cartridges.