-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang padre de pamilya sa pamamaril alas 7:00 gabi ng Miyerkules sa kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Nonie Magbutay, 43 anyos,may asawa at residente ng Purok Mangosteen Brgy Manongol Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Rammel Hojilla na kababa lamang ng biktima sa kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay.

Sa ngayon ay blangko pa ang Kidapawan City PNP sa motibo pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.