Paduano binigyang-diin ang mahalagang papel ng Committee on Public Accounts sa Quad Committee
Mahalaga ang papel ng House Committee on Public Accounts sa binuong Quad Committee na layong imbestigahan ang mga iligal na aktibidad ng nagdaang administrasyon.
Ayon kay Public Accounts panel chair, Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, na ang kaniyang komite ay maituturing na crucial pillar sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa nakaka-alarmang mga isyu.
Sinabi ni Paduano hindi mga isolated incidents o minor crimes ang kinakaharap ngayon subalit isa itong coordinated, systematic effort ng mga criminal syndicates na layong pahinain ang stability ng bansa,i-exploit ang resources, pahinain ang ating institusyon at i-hostage ang bansa economically at politically.
Kabilang sa mga iligal na aktibidad ng mga nasabing criminal syndicate ay ang iligal na pagbili ng mga lupain, financial crimes, at pag infiltrate sa mga vital sectors gaya sa sektor ng negosyo,pulitika at nagsisilbing direktang banta sa ating soberenya.
Dagdag pa ni Paduano, sa pamamagitan ng pag manipula sa regulatory loopholes at corrupting public oficials, layon ng mga ito umiwas sa rule of law at bumuo ng climate of impunity.
Ipinunto pa ni Paduano kapag hindi ito napansin at na tsek posibleng magdulot ito ng malaking epekto sa bansa dahil target ng mga ito ubusin ang ating economic resources at ilagay sa alanganin ang integridad ng gobyerno.
Trabaho ng Public Accounts panel ay busisiin ang financial at administrative aksiyon ng mga nasabing agencies at maging ang kanilang mga opisyal.
Siniguro ni Paduano ang suporta ng kaniyang komite sa isinasagawang pagdinig ng quad comittee.