-- Advertisements --

Nagkamit ng gold medal si world bowling hall of famer Paeng Nepomuceno sa Asian Senior Bowling Championship na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nangibabaw si Nepomuceno sa 65- above category habang pumangalawa sa puwesto si Akira Nakada ng Japan at pangatlong puwesto si Jin Headong ng Korea.

Ang four-time Bowling World Cup champion ay nagwagi ng World Tenpin Masters noong 1989 at noong 1984 sa Worlds Invitational.

Siya rin ang Asian Games gold medalist at multi-medalled athlete ng Southest Asian Games.