-- Advertisements --

pafrolly

Bumiyahe na kaninang umaga ang Philippine Air Force C-130 at C-295 aircraft para dalhin ang mga food packs at iba pang mga relief items patungong Legazpi City sa Albaya at sa Virac, Catanduanes.

Umalis kaninang alas-7:45 ng umaga ang dalawang Air Force aircraft sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ayon kay Phil Air Force Spokesperson Lt.Col. Aristides Galang, dala ng PAF C-130 patungong Legazpi ang nasa kabuuang 18, 000 lbs of cargoes na kinabibilangan ng isang communication van, 1 generator set, 15 cap bed, 10 tents, 4 boxes ng Personal Protective Equipment at 150 pcs of bottled water.

Habang ang PAF C-295 aircraft naman na patungong Virac, Catanduanes ay may dalang kabuuang 235 boxes ng mga food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).Siniguro naman ng Philippine Air Force ang kanilang suporta sa pamahalaan lalo na gagawing relief operations.

pafrolly3

SAMANTALA, muling nagpulong ngayong umaga ang response cluster dito sa NDRRMC para suportahan ang agpapatuloy na response operations sa Bicol region.

Sa datos ng NDRRMC nasa 402,458 families o nasa higit 1.6 Million na katao ang apektado pa rin ng hagupit ng Bagyong Rolly sa anim na rehiyon ang region 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, region 5 at NCR.