-- Advertisements --

Tumutulong na rin ang Philippine Air Force (PAF) sa search and retrieval operations matapos ang trahedya sa karagatan ng Guimaras, Iloilo nitong Sabado.

Ayon sa PAF, nagsagawa ng aerial search operations ang 505th rescue group sa IloIlo-Guimaras Strait kung saan tumaob ang tatlong bangka.

Gamit ang kanilang super Huey II #890, kasama ang kanilang para-rescue personnel sa pakikipag-tulungan sa Philippine Coast Guard (PCG), ay sinuyod nila ang lugar para sa mas pinaigting na paghahanap sa posibleng mga biktima ng insidente.

Matagumpay namang nakita ng rescue team ang biktima na isang Romeo Baguio sa may Guimaras Strait.

Si Baguio na pasahero ng M/B JennyVince ay agad isinugod sa West Visayas Medical Center.

Sa datos na inilabas ng Police Regional Office-6, umakyat na sa 27 ang patay habang anim ang nawawala.