Kapwa nakiisa rin ang mga tauhan ng Philippine Air Force at Philippine Army sa ikinasang Maritime Strike Exercises ng Pilipinas, Amerika, at Australia sa Northern Luzon bilang bahagi pa rin ng pagpapatuloy ng Balikatan Exercises 2024.
Dito ay idineploy ng mga Hukbong Panghimpapawid ng tatlong bansa ang Kani-kanilang mga sasakyang panghimpapawid na FA-50, AW-109, at Hermes 900 aircraft Kung saan magkakasamang nagsanay ang mga ito sa pamamagitan ng pag-target at pagpapalubog sa decommissioned ship na BRP Lake Caliraya.
Habang gumamit naman ng ATMOS 2000 self-propelled gun ang mga tauhan ng Philippine Army kasama ang mga United States Army counterpart nito na nakibahagi rin sa live fire drill NG NATURANG pagsasanay.
Ang Maritime Strike Exercises na ito at ang highlight ng Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ngayong taon kung saan kabilang nakilahok ang air, naval, at land assets ng mga armed forces ng dalawang bansa para sa pagpapalubog ng naturang target decommissioned ship ng Philippine Navy.
Layunin ng pagsasanay na ito na subukin ang collective capability ng mga combined fires networks at gayundin ang mataas na interoperability ng mga kalahok na hukbo sa pagtira sa mga target mula sa iba’t ibang lokasyon sa lupa, dagat, at maging sa himpapawid.