-- Advertisements --

Lorenzana1

Malaki ang posibilidad na makabili pa ang Pilipinas ng karagdagang 16 na Sikorsky Blackhawk helicopters para sa Philippine Air Force (PAF).


Ito ang inihayag ni Defense Secratary Delfin Lorenzana matapos i-commissioned sa serbisyo ang unang 6 sa 16 na Blackhawk helicopters na binili ng Pilipinas mula sa Poland.

Ang nalalabing 10 combat utility chopper ay inaasahang ideliver sa bansa sa susunod na taon.


Sinabi ng kalihim na may pondo pa para sa karagdagang choppers na kukunin mula sa iba’t ibang manufacturers.

Pero gusto aniya ni Philippine Air Force Commanding Gen. Lt. Gen. Allen Paredes na kumuha nalang ng karagdagang 16 na Sikorsky S70i Black Hawk choppers para mas madali ang pag-maintain at pagsasanay sa iisang modelo Lang.

Ipinagmalaki naman ni Lorenzana na nakamura ang Pilipinas sa Sikorsky Choppers na ipinalit sa na-kanselang plano na kumuha ng Bell 412 helicopters.

Pinaka-bagong modelo aniya ang S70i Blackhawk na mas malakas, mas mabigat ang kayang dalhin, at mas malayo ang range, na nakuha pa ng Pilipinas sa presyo ng mas-murang Bell helicopter.

Lorenzana2

Samanatala, dinepensa ni Lorenzana ang sunud-sunod na delivery ng mga donasyong military equipment ng Amerika.

Aniya, dahil sa magandang relasyon ng Pilipinas at US kaya nabibiyayaan ng mga bigay na kagamitan na bahagi ng commitment ng Amerika sa Asia Pacific Region.

Sa pahayag naman ng China na nagdudulot lamang ng kaguluhan ang pagbisita ng mga US officials sa bansa, sinabi ng kalihim opinyon lamang ito ng Beijing at wala itong katotohanan.

Tingin ng kalihim, ayaw lang ng China na may nakikialam na mga foreign powers sa southeast asia.

Ang pagbisita ng mga US officials sa bansa ay para panatilihin ang magandang relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng Mutual Defense Treaty dahil matagal ng kaalyado ng Pilipinas ang US.