Tatlong Philippine Air Force (PAF) Blackhawk helicopters ang lumipad at naka arrowhead formation kaninang umaga para magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa bahagi ng Polanqui sa Albay at Naga sa Camarines Sur.
Layon ng misyon para para matukoy ang lawak ng pinsala na iniwan ng Bagyong Kristines sa rehiyon at matukoy kung anong mga lugar ang malubhang naapektuhan ng sa gayon ito ang magiging prayoridad sa agarang pamamahagi ng tulong.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng disaster relief efforts sa rehiyon.
Ang tatong blackhawk helicopters ay mula sa 205th Tactical Wing ng Philippine Air Force.
Sa kabilang dako, binisita ngayong araw ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang Bicol region upang personal na alamin at kamustahin ang kalagayan ng mga kababayan natin na biktima ng kalamidad.
Namahagi ng tulong ang Pangulo kabilang na ang pinansiyal na tulong sa mga kababayan natin duon.
Sa kabilang dako, dineploy na rin ng PAF ang presidential helicopter para tumulong sa pamamahagi ng mga relief goods.
Tumulong na rin ang Bell 412 Presidential Helicopter para maghatid ng mga relief supplies .
Bukod sa Blackhawk helicopters, presidential chopper minobilize na rin ng PAF ang kanilang mga Huey helicopters para maghatid ng tulong.
Siniguro ng liderato ng PAF ang kanilang commitment at kahandaan para gamitin ang kanilang mga air assets para sa humanitarian and disaster relief operations.