-- Advertisements --

pafcagayan1

Dinepensa ng pamunuan ng Philippine Air Force (AFP) ang mga helicopter pilots nito na nagsagawa ng “air drop” relief operations sa Cagayan Valley nuong kasagsagan ng malawakang pagbaha sa nasabing probinsiya.


Ito’y matapos batikusin ang helicopter pilot ng PAF ng mga netizen dahil sa paraan ng pamimigay ng relief assistance sa mga kababayan natin kung saan ikinumpara pa ito sa “hunger games.”


Ang nasabing relief operations ay isinagawa nuon sa Ipil, Iguig, Cagayan kung saan makikita na lubog pa sa tubig baha ang lugar at walang malandingan ang helicopter.

Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Aristides Galang ang ginawa ng mga helicopter pilots ay delikado subalit, ginawa nila ito para makatulong sa mga kababayan natin na nuon ay nagugutom na.

Sinabi ni Galang kung siya ang nasa pwesto ng nasabing piloto ganuon din ang kaniyang gagawin.

Si Galang ay isa ring helicopter pilot ng PAF.

pafcagayan2

Aniya, hindi madali ang ginawa ng piloto dahil kanila din isinaalang-alang ang seguridad ng ating mga kababayan na naghihintay na mabigyan ng tulong.

Aniya, bawat minuto sa isang piloto ay napakahalaga.

Bagamat hindi nagpapa apekto ang PAF sa mga batikos, aminado si Galang na sila ay nasaktan.

Gayunpaman sinabi ng opisyal dapat sana alamin ng publiko ano ba ang ibig sabihin ng air drop dahil ang ginawa ng mga piloto ay hindi isang laro.

Paliwanag ng opisyal, ang air drop ay isang pamamaraan na ginagamit ng sandatahang lakas ng ibat ibang bansa upang tugunan ang pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain at iba pang suplay na hindi maabot ng mga sasakyan.

” Pag bumaba po ang chopper ng air drop usually mataas po yan pag nag drop sa bulubunduking lugar pag ganito po bumababa po tayo ng 3 to five feet depende po sa sitwasyon, kung may tubig na ganyan yung downwash pa po ng aircraft tubig,ang lakas pa po niyan kung minsaan may mga tubig spalsh pa yan ng tubig kaya ginagamitan pa yan wiper para makita yung harapan, yun po ang mga factors na iniisip natin at hindi po pwedeng bumaba ang chopper hanggat hindi nakikita ang lupa, kapag bumaba po ang chopper sa malambot na lupa may tendecy na maaksidente, dahil pwedeng lumubog ang helicopter. So ang piloto natin sa kagustuhan niyang makatulong at gusto niyang maihatid po yung pagkain at inumin ng ating mga kababayan nanduon kaya humanap po siya ng way para maibaba ang mga relief goods, ” paliwanang ni Galang.

Sinabi ni Galang imbes na batikusin ang mga piloto ay dapat ipinagdasal na lamang ang mga ito dahil delikado ang kanilang misyon.

Siniguro naman ng opisyal na patuloy ang Philippine Air Force (PAF) sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

” Ang chopper, para po sa kaalaman ng lahat ang movement po niya forward,backward, sideward pa po siya hindi po siya kagaya ng ibang eroplano na steady lang dahil sa weather sa hangin so mag ho-hover siya may mga factor sa environment kaya gumagalaw po yang, delikadong delikado kung may mga tao sa paligid niya, so ang gagawin ngayon ay maghahanap ka ng place na medyo yung tao wala po duon kung wala ka po mahanapan ng spot lalo na duon matubig wala ka makita hahanap ka ng spot na yun na kung pwede ka bumaba na wala po yung taon na malapit duon sa area,” wika ni Lt.Col Galang.