Matapos ang matagumpay na familiarization flight mission na isinagawa ng mga bagong FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force (PAF) sa airspace ng Visayas.
Ngayong araw, March 15, nakatakda muling magsagawa ng over-flight mission ang dalawang Fighting Eagles sa airspace ng Mindanao.
Alas-10:00 ngayong umaga magsisimula ang familiarization flight mission partikular sa airspace ng Cagayan de Oro, Butuan at Surigao.
Ito ang kauna-unahang gagawing paglipad ng bagong biling FA-50 fighter jets sa Mindanao.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Col. Antonio Francisco layon ng over-flight mission ng mga Fighting Eagles lalo na sa mga lugar na mayroong PAF Bases, Air Divisions at Tactical Operations Group para ipakita sa publiko ang air power capability ng Philippine Air Force.
Dagdag pa ni Francisco na nais din nila ipakita sa publiko na ang mga nasabing air assets ay importante lalo na sa pagpapalakas ng bansa sa teritorial boarders nito.
Magsisilbing training din ito sa mga piloto para maging bihasa sa ibat ibang terrain sa bansa at ang mga posibleng areas of interest.