-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na nagsasagawa ngayon ng overflight missions sa Visayas ang kanilang pinakabagong eroplanong pandigma ang FA-50 fighting eagle.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Antonio Francisco na ngayong alas-10:00 ng umaga lilipad ang dalawang FA-50 fighter jets mula sa Mactan Airbase patungong Catbalogan sa Samar at tutuloy sa Calbayog, bago bumalik ng Mactan.

Paliwanag ng opisyal, na layon ng isasagwang overflight mission ay para sanayin ang mga Air Force pilots sa iba’t ibang aspeto ng flight missions gamit ang mga bagong jet fighter, tulad ng weather conditions, terrain, at mga areas of interest.

Dagdag pa ni Francisco, na pagkakataon din ito para maipakita sa publiko ang kahalagahan ng mga bagong eroplano sa pagtatanggol ng teritoriyo ng bansa at maipagmalaki ang pagbabalik ng Air Force sa supersonic age.

Kahapon ang dalawang “fighting eagles” ay nagsagawa ng overflight missions sa Mactan, Roxas, Kalibo, Iloilo, Bacolod, at San Carlos City.

Bukod sa mga overflight missions, ang mga FA-50 fighter jets ay nagamit narin sa actual combat operations nang bombahin ng mga ito ang mga pinagkukutaan ng Maute terror group sa Butig, Lanao del Sur.

Hindi naman malayo na gagamitin din ito ng militar ang mga FA-50 fighter jets sa Sulu laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.