Maituturing na isang significant milestone ang paglahok sa kauna-unahang pagkakataon ng dalawang Philippine Air Force (PAF) FA50 Fighting Eagles sa prestihiyosong Mindil Beach Flypast na isinagawa sa Darwin, Australia.
Ang dalawang FA-50 fighter jets ay mula sa 7th Tactical Fighter Squadron, 5th Fighter Wing ng PAF.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng international military exercise Pitch Black 2024, kung saan nagsanib pwersa ang mga air forces mula sa ibat ibang bansa para sa isang joint training, collaboration at malakihang force exercise.
Ang partisipasyon ng PAF sa Pitch Black 2024 ay maituturing na “historic moment” kung saan ipinakita ng hukbo ang kanilang kapabilidad, commitment para sa regional cooperation at international engagements.
Ang FA50 Fighting Eagles na kilala sa kanilang agility at precision, nakuha ang atensiyon ng mga manunuod at aviation enthusiasts habang sila ay nagpapakitang gilas sa skyline ng Darwin kasama ang iba pang mga advance fighter jet sa isinagawang flypast.
Binigyang-diin ni Col. Randy Pascua, Philippine Contingent Commander ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa Mindil Beach Flypast.
“This marks a proud moment for Philippine Air Force. We are honored to have showcased the FA50 Fighting Eagle alongside our international counterparts in Pitchblack 2024,”
Col. Randy Pascua
Siniguro naman ng Pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang commitment sa mga susunod na edisyon ng Pitch Black at iba pang mga kahalintulad ng international exercises.